WAG GUMAYA SA USO(NA LABAS SA SHARI'AH)
FEAR ALLAH(GOD)
Zinah....zinah..zinah
gawaing nauuso ba o gusto talaga
madalas pa nga ay halos ipagyabang pa
nang lalaki man o babae,may asawa at wala
Maraming lalaki ang magaling sa KAMA,
pero takot maging ama,
may mga babaeng pumayag IKAMA
pero umiiyak kapag naging ina,
ito ang tinatawag nah sistemang nganga,
kaya bago magpakama alamin kung ano magiging resulta,
kung maganda bah ang magiging bunga
hindi ung puro nalang buka
may mga kababihang ayaw nang kasal
dahil daw magiging ito pa ang sagabal
sakali mang di magkaigihan
kung maghihiwalay ay walang papel na panupalpal
tama ba ito na nakagawian?
tila baga ito ngaun ay lantaran
nakakalungkot na nagkalat sa lansangan
na tila baga ito pa ay pinangangalandakan?
at mayroon din namang may mga asawa na nga
pumapatol pa sa hindi binata
ngunit ang masaklap sa ilang Eba
sila man ay mayroon na ring mga asawa
atin nang nakalimutan
ang nangyari sa panahon ni Propeta Lot bilang babala
sa sodoma at Gomorah ay di nga ba't natamo ang parusa
nang buong syudad ay inulan nang baga
ngunit ito na naman kaka
muli na namang ibinalik nang tadhana
saan mang sulok ay naglipana
maging lalaki sa lalaki ay tuloy ang ayudah
sndamakmak na ang mga bakla
na maninipsip nang lakas at kaagaw nang Eba
gayong labing isa ang dami nang eba kumpara kay Papa
ito pa at nakikiagaw sila
mayroon din namang ilang kababaihan
na dahil sa takot na sila ay mabuntisan
ipinalalaglag ang bata at itatapon sa basurahan
asan ang konsenxa,wala na kayo sa katinuan!!!
ito namang mga kababaihang walang takot
pagnakaramdam nang uhaw ay nakakalimot
ang kanyang asawang halos di naman nagdamot
linisan ang bansa at pumalaot
ang katwiran ay kesa naman magutom ang pamilya
titiisin ang hirap at pangungulila
maibigay lamang nang may sagana
at mapag-aral ang mga anak na isang dosena
pero may ilang naiiwan
na sobra na ata ang nadamang kabaliwan
di na inisip ang asawang naghihirap
winawaldas ang padala para ibsan ang pangungulila
di naman natin nilalahat
akin lamang nadampot ang paksa sa nabasang akda
na isang balita na sa ngayon ay naglipana
mga bawal na pagtatalik nang may asawa at wala
sa Islam ito ay malaking bawal
sukdulang kasalanan na mailap ang kapatawaran
Major sin kumbaga at atin nawang iwasan
wag pabubuyo sa sulsol ni shaytan
paalala ko una sa aking sarili at sa makababasa
0 comments:
Post a Comment