Ang Poligamya, tama ba?
Ito ang siyang tanong nang marami
at ibinabato sa kamusliman ang asawa raw ay kay dami
bakit nga ba ipinahintulot na mangyari
na sa Pananampalatayang Islam,hanggang apat ay pwede
ang sabi naman kasi sa banal na Qur'an
mag-asawa nang dalawa,tatlo at hanggang apat ay pinayagan
ngunit kung nangangambang hustisya ay di kayang maisakatuparan
mas mainam na mag-asawa nang isa upang aberya ay maiwasan.
makatwiran nga ba, ito sa sangkatauhan
ito ang tanong at bato na akala'y kasiraan
di man manalamin kung ano ba ang kainaman
at di ang puro angal,gayong di naman naintindihan
ano ba ang tama at makatwiran kaka
ang pakasalan ang apat o isa lang ang asawa
gayong kay raming isa lang ang siyang iniharap sa dambana
ngunit sandamakmak naman ang itinatagong malaswa
ang batas nang Islam ay lubhang makatwiran
at pabor na pabor ito sa sandamakmak na kababaihan
na sa labas nang Islam ay tila baga naging parausan
ginawang kabit o iiwanan pag nabuntisan
at ang masakit pagpanaog sa tahanan
nang kanilang kalalakihan ay kung saan-saan ang pinupuntahan
dahil normal na at talamak na nakagawian
madalas ang patikim-tikim ay di na isyu sa pamayanan
uso ang pasyota-syota o ang pagdaan sa casa
di natatakot makipagtalik sa di asawa
kung kaya naman herpes,tulo at aids ay kaydami na
at ang masaklap nito,pati maybahay ay mahahawa.
txmate ay chatmate ay nauuso sa umpisa
hanggang sa maglaon ang isa ay magyayaya
upang mag-eyeball ngunit lamang ang pagnanasa
na mabinggo ang kaibigan, maiskoran at maikama..
sa dami nang kababaihan ayon na nga sa kaganapan
ito ang naging suliranin na nang ating lipunan
kahit saang bansa mas lamang ang mga eba
onse ang katapat na Eba, sa adan kung ikumpara
ngaun saan mapupunta ang sampung kababaihan
kung iisa nga alng ang pwede na maaring iyong pakasalan
di nga ba at kawawa naman ang mapagiiwanan
na tila baga wala nang karapatang, maranasan ang kaligayahan
kaya nga ang ilan o mas marami pang bilang na kababaihan
nagiging kabit nalang o laman nang bahay aliwan
marami ring dalagang ina o separada at deborsyada
at ang iba naman ang one night stand ay sapat na.
at ang masaklap pa nito ay lubha ngaung naglilipana
mga paru-parong buking, at madalas ay gwapo pa
kaya nga minsan.kahit matso ay kwedaw ka
kahit na karatista ay mapilantik ang asta.
kayraming eba ay makikipagagawan pa
itong mga bading at syokla ay mas malandi pa kay Mama
kung kaya ang onseng kababaihan ay nanganganib na maikasa
dahil baka nga syokla ang katapat nilang isa
at ang isa pa ay pinagbawalan daw dahil masama
ang mga Pari ay di dapat na mag-asawa
kaya naman ang ilan ay patago kung maglamyerda
at pag di na makatiis, silay manggagahasa.
ngaun ating kumpara sa batas nang Islam
na ang pagaasawa nang apat ay lantarang inaprobahan
itoy di batas nang tao gaya nang ipinaparatang
kundi makatwirang batas nang Diyos na Lumikha nang Sanlibutan.
ngunit bagamat ipinahintulot, ang kamusliman ay bantulot
na mag-asawa nang higit sa isa dahil ang parusa ay kakilakilabot
sa mga kalalakihan na mawawala sa hustisya at katwiran
sa kanyang mga asawa kapag lahat ay huhukuman
Ano nga ba ang dahilan bakit kinakailangan
na magasawa nang higit sa isa itong inapo ni Adan
sobra bang katakawan at pagkahilig sa laman
o sadyang ang hangad ay biyaya ang siyang makamtan
may mga Muslim na nag-aasawa nang higit sa isa
ngunit d nangangahulugan na mahilig lamang sa kama
lalo kung ang pipiliin ay matanda na at byuda
o kaya mga Muslimah na hiwalay at inabanduna nang asawa
maaring ang intensyon ay upang matulungan
at wag mapariwara at katuwang sa pangangailangan
at mayroon din namang nais sagipin sa kahirapan
mayroon din namang para maiiiwas sa di muslim na kalalakihan.
mayroon ding nagaasawa nang higit sa isa
ay dala nang sa ang asawa ay lubhang mabunganga
o kaya naman baog,magkaanak ay walang pag-asa
o mayroon din namang tutuparin ay ang sunnah..
ang iba naman ay magkalayo sa isa't-isa
kaya nag-asawa ay upang makaiwas sa Fitnah
na maaring makapagdulot upang makiapid o zinah
na isang kasalanang matindi ang siyang parusa.
Sino ka Muslimah, upang kwestyonin ang Shariah
di ba marapat na manalamin at tanungin ang sarili mo iha
bakit di maintindihan at sobrang mapaghinala
kung magselos at maghinala, ay tila baga nakita.
Astahgfirullah adhem, ano yan at nagrereklamo ka
gayong maklinaw naman na ito ay siyang mababasa
at di pa ba sapat ang mga nakikita
na sandamakmak ang Eba na napapariwara?
Astahgfirullah adhem,maari bang tignan ang Aqeedah
mukhang may ilang talata na ayaw mong isagawa
mukhang mas marunong pa sa Dakilang Nagtala
dahil di lubos ang paniniwala sa ating shari'ah..
0 comments:
Post a Comment