GULONG NANG BUHAY
(Isang tula bilang paalala na ang buhay sa mundo at ang katayuan sa lipunan ay di natin alam kung hanggang kelan natin mahahawakan..)
Lahat nang bagay ay may hangganan
Gaano man kalayo ang tanaw sa lansangan
Darating ka sa dulo o hangganan
Upang makamit ang tinakdang patutunguhan
Tila baga ay di alintana
Mga senyales mga bagay na nangyayari na
Tila baga lagi nang binabaliwala
Ang buhay sa mundo,panandalian lang kaka
Si Mercy’ng Taga na tiga kabilang ibayo
Asawa ni ka Mulong na isang magtataho
Na kapatid ni kadyo na sepulturero
Nalunod daw ito sa tubig na isang baso
Maaring matawa sa aking tinuran
Ngunit nangyayari ngunit di kadalasan
Ilang patunay na kahit ikaw ay nasaan
Pag oras mo na,isa lang ang hahantungan
Marami sa tao ang nakakalimot
Pagnabiyayaan ay nakakalimot
Di man maisip ang kapwa na naghihikahos
Ang mag-abot sa pulibi ay tila ang hirap dumukot
Ngunit sa yabangan,ay numero uno
Pagnagpasikbab ay daig pa ang pulitiko
Tila baga ay kayang mabuhay sa Mundo
Na wala nang kailangan sa kapwa tao
Di ba naisip nitong ating mga katoto
Na ang buhay ay tila gulong o tila trumpo
Ito ay umiikot di lagging sa ibabaw nito
Maaring bukas ikaw naman ang talo
Pag ang kayamanan ay nandiyan pa at tangan
Lumalagpas sa ulo ang kayabangan
Di man malapitan pag may nangangailangan
Mas gugustuhin pang magwaldas nang walang kapararakan
May isang kwento tungkol sa isang mayaman
May isang pulubi,siya ay nilapitan
Upang himingi nang panghapunan
Nilamukos ang papel de bangko,ibinato sa pagbibigyan
“iyan ang isang daan, umalis ka na sa harapan”
Ang sabi nang Mayaman sa gusgusing pinagbigyan
Pinulot nang lalaki ang pera at tangan
Na umalis sa harapan at siya ay nginitian
Paglipas nang panahon, dahil sa walang pakundangan
Alak,babae ,sugal at drugs ang kinahumalingan
Hanggang sa maghirap ang dati ay mayaman
Siya naman ngaun ang nililimusan
Isang araw sa kalye,may humintong kotse
Sa dating mayaman na naghihirap na at pulubi
Siya ay nginitian nitong lulan nang kotse
At inayang kumain sa restaurant na katabi
Inalok nang estranghero na sumama sa kanya
At iniimbita siya bagamat nagtataka
Siya ay isinama sa mansion nang kasama
Saksakan nang yaman ang estrangherong kasama
Ang sabi nang Mayaman;”sana ay pumayag ka,
Nais ko sana na ditto ka na tumira
Di kita ituturing na isang alila
Kundi bisita hanggang sa nais mo kaka”
Labis-labis ang tuwa,nang pulubing dinala
Bagamat takang-taka at di makapaniwala
Sino baga itong anghel na kasama
Na napakabuti at inaalok pang doon na tumira
“sino ka Amang, bakit napakabuti mo?
Di kita kilala pero ito ka tinulungan ako?”
Ngumiti ang lalaki at inakbayan siya nito
Na di man nandiri sa gusgusing kasuutan mo.
Ang sabi nang lalaki,ang Magulang niya ay Pulubi
At ang napapalimusan ang siyang ikinabuti
Siya ay nag-aral kahit ang tirahan ay kalye
Hanggang makatapos sa pagsisikap mabuti
Isa po kau,sa nagbigay nang kawanggawa
Napatingala ito sapagkat walang maalala
Maliban na lamang sa nilamukos na pera
Na kanyang ibinato sa mukha nang Dukha
0 comments:
Post a Comment