728x90 AdSpace

some text
  • Latest News

    Saturday, May 23, 2015

    Nakakalungkot





    NAKALULUNGKOT

    MARAMING MANGMANG NGUNIT IILAN ANG TIGAPAGTURO
    tigapagturong dalisay at walang bayad o presyo

    madalas pa nga ay ginawang negosyo

    nang mga magagaling manloko nang tao

    Madalas sa kalye ay naglipana
    sa mga palengke at bus na may supot na dala
    harap-harapang hoholdapin ka
    puhunan ay kunting salitang laman nang pambobola

    mula nang dekada nobenta ay naglipana
    maging sa Luneta ay ginawang pugad na
    nang mga BUWITRE na HAYOK sa pera
    ginagamit ang Diyos upang makapanloko nang kapwa

    puspos-liglig na biyaya ang siyang kapalit
    ang ipinangako nang PASTOR na malupit
    hindi na naawa sa kawawang myembro
    kumakain siya nang wasto at ang myembro ay tuyo

    MARAMING GUSTONG MATUTO PERO IILAN ANG NAG-AARAL
    sa hirap nang buhay, murang kataw'y ikinalakal
    itong si Nene upang makapag-aral
    tatambay sa Avenida na walang balabal

    sa hirap nang buhay ay gustong umahon
    gustong baguhin ang buhay sa darating na panahon
    sinisikap mag-aral kahit walang mabaon
    samantalang ang anak mayaman, ang pera ay panapon

    MARAMING NAG-AARAL PERO IILAN ANG NATUTUTO
    iilang kabataan ang nais mag-aral nang seryoso
    pupunta sa eskwela na dala ang libro
    ngunit ang baong pera pala ay pinangbibisyo

    ang walang alam na magulang ay umaasa
    na sa takdang araw,anak ay magtatapos na
    pilit pinagkakasya,kakarampot na kinikita
    upang ang mga supling ay mapag-aral nang TAMA.

    ngunit ano ba ang sukli sa kanila
    kung bitin ang baon ay agad na magdadabog ka
    tila baga kay dali na kitain ang pera
    gayong halos higpitan nang magulang ang sikmura nila.

    madalas pa nga sa ilang nangingibang-bayan
    lumayo sa pamilya dala nang kahirapan
    ang tanging baon ay pagmamahal sa tangan
    at pag-asang mga anak ay magtapos at makaahon sa kahirapan

    kapag may masarap na pagkain na nais sanang tikman
    bibilhin nalang ay magbabago ang isipan
    dahil nga naman baga ang mag-anakan
    sa Pinas ay di nakakakain nang gaya nang nasa harapan

    wag na nga lang,saka nalang pag sahod
    para may maidagdag sa remitance na iyaabot
    sasabihin sa asawang bumili nang gay-on
    at saka ko nalang bibilhin ang nakakatakam na yaon.

    o dili kaya ay idagdag nalang sa padala
    upang di naman kawawa ang anak sa eskwela
    maaring kunti nalang ang idadagdag niya
    upang mabili ang laptop nang anak na gagamiten sa eskwela.

    MARAMING NATUTUTO PERO IILAN ANG UMIINTINDI
    matapos matuto ay agad na nagmalaki
    ang kawawang magulang na nagtipid nang matindi
    di man mapasalamatan at maging responsable

    natuto ka nga at nagtapos sa kurso
    inintindi mo ba na magulang ang nagsakripisyo
    halos magdildil nang asin, matapos lang ang pag-aaral mo
    ngunit nang magkatrabaho ay tila baga sila ay palalo

    mga paalala nila ay sa pagdinig wala sayo
    may sungay ka na nga ba, dahil ikaw ngaun ay titulado
    samantalang ang magulang ay mangmang lang at bobo
    dahil di nag-aral at maagang nagtrabaho

    ngunit inintindi mo ba ang kanilang pagsisikap
    upang maabot mo ang iyong mga pangarap
    ang mga dalamhati ay ikinukubli nang ulap
    ang sama nang loob nila ay wala kang maapuhap

    MARAMING NAKAKAUNAWA NGUNIT IILAN ANG NAGSASAGAWA
    ito ang madalas na mangyari sa madla
    kabutihang asal na natutunan mo kaka
    iyo bang ipinamuhay, iyo bang isinagawa?

    maaring sabihing "OO naman" sa kanila
    maaring ang agarang sagot ay pinasusubalitan mo na
    maaring sabihing hindi ka naging pabaya
    ngunit ang tanong, ito ba ay ikinatutuwa?

    madalas nga yata na kapag iniaabot mo
    ang pakunswelo de bobo sa mga magulang mo
    may kasamang salita pa at ito ay di na bago
    sa mga kabataan na nagkaroon na nang pwesto

    pag humiling si AMA noo mo ay kukunot na
    at pag naglambing si INA na padalhan mo nang kanya
    agad na aangal sa gastos na hiling nila
    ngunit nang ikaw ay nag-aaral, ang reklamo sa kanila ay wala.

    MARAMING NAGSASAGAWA NGUNIT IILAN ANG DALISAY
    Dalisay na kaakibat nang pagmamalasakit na mahinusay
    mga pangaral ay hindi nilakipan nang saysay
    ang natutunang mabuti ito ay nangisay.

    mga aral sa buhay ay wala kang pakialam
    maging ang TAKOT sa DIYOS(Allah) ay nawawala na nang tuluyan
    masyadong nalasing ka sa iyong katanyagan
    maging ang magdasal ay iyo nang kinalimutan

    ni hindi mo maisip na pasalamatan
    una ang Lumikha na Siyang nagpahintulot nang yamang tangan
    ang iyong karunungan di na inalam ang pinagmulan
    ang tanging alam sa sarili, ito ay pinagsumikapan.

    tila baga ikaw nalang ang siyang bida sa lahat
    magulang na nagsikap,wala kang paki kahit salat
    halos ang buong lakas at kabataan sayo inubos ang lahat
    upang marating mo ang iyong pinangarap.

    Ang tanong nakailan ka bang pakapagpasalamat
    nakailang ulit ka bang humingi nang tawad
    ang kasiyahan ba at ngiti ay iyong ipinaranas
    sa iyong mga magulang na mahina na at kulubot ang balat?

    ang higit sa lahat ay ang pasasalamat
    sa Dakilang Tagapaglikha na Siyang nagpahintulot nang lahat
    na Siyang nagbigay buhay sa lahat-lahat
    na tanging nakamasid at tigapanustos nang iyong TALINO AT LAKAS.



    - Harold Abdullah Sesaldo
    Next
    This is the most recent post.
    Older Post
    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Nakakalungkot Rating: 5 Reviewed By: Unknown
    Scroll to Top