728x90 AdSpace

some text
  • Latest News

    Saturday, May 23, 2015

    Handa kana ba ?


    Ready ka na ba?



    Kullo nafsi dha, iqatul mawt
    Ito ang katutuhanang ibig kong ipaabot
    Sa mga abala sa mundo at lubha nang nakakalimot
    Na saklaw taung lahat, ito ay walang gamut

    Mangyaring ang paksa ng aking tula
    Ang sinabi kong Ayah na sa Qur’an kinuha
    Isang simpleng kataga, na binabaliwa
    Ng lahat na halos ng nilikha ng Dakilang Allah

    Lahat ay abala sa paghahanapbuhay
    Ang iba ay mayaman na’y pakiramdam nila ay salat at kulang pa
    Ang iba nama’y sa katanyagan abala
    Ang iba’y ibig sungkitin ang mga korona

    Sukdulang pumatay at manakit ng kapwa
    Sukdulang sirain mga nasyon at bansa
    Gayong ang di parehas na pagbabalita
    Ibinabato sa Muslim ang pagkakasala

    Pero teka,teka muna, baka malihis ang paksa
    Ang paksang tinatalakay , Dunya at ang Akirah
    Dahil ito naman ang buod ng kinuhang “AYAH”
    Na kinakalimutan na at kailang ipaalala

    Asan ang tagumpay kung inaagnas na
    Asan ang iyong yaman,di mo ito madadala
    Asan ang katanyagan at kapangyarihang pinagsikapan
    Walang ibig sumama sa hukay kahit ang iyong pamilya

    Ang tanong,handa ka na ba kung sau na nakatoka
    Ang salatul Janaza at sa di muslim ay balsama
    Ano ang iyong ginawa noong nabubuhay kappa
    Di ba at abala ka lang sa bagay na iiwan mo rin pala

    Kahil na sinong pinakamagaling na nilalang
    Walang ligtas sa itinakda nang Maylalang
    Kahit di pa ready, pag sundo ni kamatayan
    Kanyang babawiin ang buhay mo Amang.

    Ang mga sikat na tao, asan na ba sila ngaun
    Di ba at naagnas na at natunaw na sa panahon
    Kahit na dalubhasa ay daranas nang gay-on
    Maging matalino sa syensya, sa lupa rin ibabaon.

    Kahit mga Doktor na gumagamot sa maysakit
    Pag kamatayan na,di mapigil ang paglapit
    Kahit mga banal at santo ay di maipagkakait
    Na kapag oras mo na, mata mo ay titirik

    Kahit na nga si Einstien na isang matalino
    Hindi natuklasang mapanatili ang buhay sa Mundo
    Hindi naimbento ang gamut para ditto
    Sapagkat nakatakda kahit sa sino mang tao.

    Ang tanong ito na handa ka na ba
    Urong o sulong, laban ba o bawi na
    Deal or no deal , Game ka na ba?
    Tiyak na pagsundo, ang pagpili ay WALA.

    Ang tanong handa ka naba kapag oras mo ay anjan na?
    Masasagot mo na ba, katanungan ng dalawang Anghel na itinalaga
    Gaano ka ba namuhay at inano mo ang biyaya
    Ito ba ay ginamit mo sa kapakanan ng Allah?

    Gaano ka nakitungo sa iyong pamilya
    Ano ang trato mo sa kaibigan at kasama
    Nagging madamot ka ba, sa iyong kapwa
    O mapagbigay ka ba, dahil sa takot kay Allah?

    Isinabuhay mo ba, ang iyong Shahada
    Sumaksi nga sa salita ngunit ito ba ay isinagawa?
    Ang takdang pagdarasal ay ginampanan mo ba?
    Ikaw ba’y nagpatirapa sa iisang (Allah)Dakilang Tagapaglikha?


    Ang iyong Zakah, ay kumpleto ba?
    Ang panlalamang sa kapwa, sa iyo ba ay wala?
    Pagdating ng Ramadan, nagaayuno ka ba
    O baka imbis na magtiis,ang hawak ay Ginyebra?

    Ang panglima sa Haligi Ang paglalakbay sa Makkah
    Upang ganapin sigaw ni Abraham na Propeta
    Isa itong paanyaya na ating dapat isagawa
    Ngunit kung di kaya ay di ka inuobliga.

    Pagdating ni Malaikal Mawt, upang hugutin ang kaluluwa
    Iyon ang kaganapan ng napili kong Ayah
    Di ka na pwedeng magsabi ng “TEKA MUNA”
    Ang paki-usap at Time first, sa oras nay an ay WALA NA!

    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Handa kana ba ? Rating: 5 Reviewed By: Unknown
    Scroll to Top