728x90 AdSpace

some text
  • Latest News

    Saturday, May 23, 2015

    Mula sa kadiliman Patungong Liwanag




    PROUD MUSLIM, ALHAMDULILLAH
    (sa salita at gawa)

    At sino pa ba ang higit na mahusay sa pananalita kaysa sa isang nag-aanyaya tungo sa Allah, guma-gawa ng mabuti at nagsasabing isa ako sa mga Muslim (sumusunod sa kalooban ng Allah). [Qur’an, Kabanata Fussilat-41:33]



    Paunawa:
    Bago ko po ginawa ang tula
    ay hiningi ko sa kapatid na siyang pinaghugutan nang paksa
    ang pahintulot at pagsang-ayon na siyang Bida sa tula.

    O kayong nananampalataya! Maging matatag at magkaroon ng higit na pagtitiis. [Qur’an, Kabanata Al-‘Imran-3:200]

    Ako ay namangha, bahagyang natulala
    sino ba itong dilag na kabighabighani at kaaya-aya
    isang kagandahang tinataglay nang isang anak ni Eba
    na kung maisasalin sa isang obra o canvas ay talo ang ngiti ni MONALISA

    Paano ko kaya ito ngaun uumpisahan
    paano huhugutin ang kailalimang kapalinawagan
    paano bibigyan nang hustisya ang sa isang malikhaing tula
    ang istorya ni kapatid na sadyang kamangha-mangha

    O kayong nananampalataya! Hanapin ang tulong nang may pagtitiis at pagdarasal. Katotohanan, kasama ng Allah ang mga matiisin. [Qur’an, Kabanata Al-Baqarah-2:153]

    Bigla akong nanliit sa aking sarili
    nang mapagtanto ko ang iyong pagpupunyagi
    na maisakatuparan ang pagbata at pagtitimpi
    at kung paano ka nagtiis,sariling pagnanasa ay isinantabi

    Sino nga ba tau, kung ating ikukumpara
    sa kapatid na ito sa pinagdaan at binata
    ano nga ba at hindi ba,kay dali nating manghusga
    gayong di natin hawak ang itinadhana

    Ang mga matiisin lamang ang makatatanggap ng kanilang biyayang ganap nang walang pagtutuos. [Qur’an, Kabanata Az-Zumar-39:10]

    Ang Propeta ay nagsabi na pagbibigay tanglaw ang pagtitiis. [Sahih Muslim 1/203 H223]

    bagamat na-excite ako upang ihabi nang tula
    bagamat ipina-alam,ako namay nangangamba
    na baka ang obra ay di mabigyan nang hustisya
    at di maipaliwanag nang maayos ang tunay na HEKMA

    Mula pagkabata ay pusong babae siya
    bagamat gwapong lalaki ay babae sa kilos at gawa
    siyang kung ating tawagin ay third sex o Bakla
    isang gawaing di na kaiba at sa lipunan ay naglipana

    Ano nga ba ang nagtulak upang iwanan niya
    ang mga bagay na nakasanayan mula pa nang bata
    ito ba ay sinadya o sadyang tadhana
    ito nga ba ang nakatala sa palad nang binata

    ang Madilim na kahapon ating pag-usapan
    ang nakaraang hindi ko naman pinagaakalang ganyan
    na ang isang kapatid ay handang ipangalandakan
    ang kahapong kinasadlakan ay ginawa niyang basehan

    hindi alintana ang maaring sabihin nang ilan
    maaring kutyain at siya ay pagtawanan
    maaring husgahan at paratangan
    ngunit di nga ba at kay Dakila nang kinasapitan

    ako ay nanliit maging ang iba sa tabi-tabi
    dahil ang binago't iniwasan natin ay lubhang kay simple
    musika,alak ,sugal at Babae, isama pa ang yosi
    at droga na ang akala ay ito na ang pinakamatindi

    pero may higit pa pala na naisantabi
    ang isang damdaming at pusong babae
    dahil sa kabatiran na ang parusa ay grabeh
    binago ang sarili, pinaglabanang mabuti.

    Kay palad nang kapatid na pinagbuksan nang Allah
    pinagkalooban nang liwanag na siyang gabay niya
    saan tau kapatid kung ating ikukumpara
    sa pagtitiis at hirap na dinanas nang Bida..

    Kay raming aral ang kapupulutan
    sa naibahagi ni kapatid, bihira ang ganyan
    na nagsikap maging tunay na Muslim, binago ang kalagayan
    nawa ay ang pagpapala ay iyong makamtan.

    sino ba tau para ihambing o ihalintulad
    sa kwento nang buhay ni kapatid na sa huli ang biyaya
    isang katibayan, na nagpapatunay
    na sino mang magtiis,makakami gantimpalang Dalisay.

    Madalas sa atin ang agarang panghuhusga
    kung tau ay makasita ay kulang nalang magmura
    samantalang napag-aralan natin mula pa nang umpisa
    na walang makakapagsabi kung ikaw ay ligtas na.

    kagaya nang isang Hadeth sa panahon nang Propeta
    ang tema nang hadeth ay ukol sa panghuhusga
    wag ituring na masama ang isang nakagawa nang kasalanan
    dahil baka bago mag-umaga ay nakamit ang kapatawaran

    "kapag ang isang tao ay nakitang nagkasala
    sa gabing nagdaan ay wag agarang humusga
    dahil sa magdamag,maaring patawad ay hiniling niya
    at siya ay napatawad bago pa man mag-umaga."

    ito ay patunay lamang na walang di magagawa
    ang isang mananampalataya pag ang puso ay naging dalisay na
    at ipinagkaloob nang Allah ang hidaya
    o ang pagpapala,habag at gabay ay ipinagkaloob nang Allah...

    Bilang pangwakas, tayo ay manalangin!

    O Allâh(swt), Nawa’y igawad Mo po sa amin ang Iyong Habag at Kapatawaran. Kaluwalhatian sa Iyo, O Allâh(swt)! Katotohanang ipinaalam Mo sa amin ang Iyong mga Tanda upang matanggap namin ang Iyong pagpapala, kahit sadyang hindi sapat ang aming pasasalamat sa Iyo.

    O Allâh(swt), kami ay naging mga suwail sa hindi namin pagtupad sa aming mga tungkulin bilang Iyong mga abang alipin. Sadyang hindi kami naging makatarungan sa aming mga sarili sa hindi namin pagbibigay sa Iyo ng tamang paggalang. Sadyang kay tigas ng aming mga puso at hindi kami marunong magpakumbaba sa Iyong Kadakilaan at Kapangyarihan.

    O Allâh(swt), nawa'y ibilang Mo po kami sa hanay ng Iyong mga alipin na nagsisikap na magampanan ang mga bagay na Iyong itinakda para sa amin.

    O Allâh(swt), nawa’y palambutin Mo po ang aming mga puso upang kami'y matutong magpakumbaba sa Iyong harapan.

    O Allâh(swt), nawa’y palambutin Mo po ang aming mga puso upang kami'y matutong sumunod sa Iyong mga batas.

    O Allâh(swt), nawa’y buksan Mo po ang aming mga puso upang lubos naming maunawaan ang mga palatandaan na Iyong ipinaabot sa amin.

    O Allâh, nawa’y idulot Mo po sa amin ang tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.

    O Allâh(swt), hinihiling po namin ang Iyong Kapatawaran, Habag at Pagpapala sa mundong ito at higit sa Kabilang Buhay.
    Ameen.

    - Harold Abdullah Sesaldo
    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Mula sa kadiliman Patungong Liwanag Rating: 5 Reviewed By: Unknown
    Scroll to Top